Nominasyon para sa Honor Awards program ng CSC hanggang sa March 31 na lang

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Civil Service Commission ang mga ahensiya ng gobyerno o kahit sa pribadong sektor na magsumite na ng nominasyon para sa Search for Outstanding Government Workers o sa Honor Awards Program (HAP).

Ang HAP program ay taunang ginagawa ng CSC na nagbibigay ng pagkilala sa mga government officials and employees na nagpamalas ng outstanding performance sa larangan ng public service.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas, inihayag nito na bukas ang nominasyon hanggang sa March 31, 2023.

Mayroon umano itong tatlong kategorya na kinabibilangan ng Presidential Lingkod Bayan Award.

Sa ilalim nito dapat ang awardee ay nakagawa ng isang mabuting bagay na ang impact ay para sa buong bansa.

CSC Pagasa award naman kapag ang impact ay nasa dalawa o higit pang ahensiya.

Pasok naman ang mga kawani ng gobyerno na nasa mababang posisyon sa Dangal ng Bayan Award.

Ibinibigay ito sa mga karaniwang empleado na consistent sa pagsasabuhay ng 8 norms of conduct.

Ang awarding ay gagwin sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service Anniversary sa September 2023.

Maaaring magsumite ng nominasyon sa  CSC Provincial o Regional Office.

Ang mga nominado ay hindi dapat nasangkot  sa anumang krimen na involving moral turpitude. Wala rin ito dapat na kinakaharap o pending na kaso. Maaring mag nominate nang kahit ilan dahil wala umano itong limitasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *