Non-essential travelers’ mula NCR, hindi pa rin pahihintulutang makapasok sa Catanduanes sakabila ng “GCQ with restrictions” quarantine classification

BICOL— Inihayag ng Incident Management Team sa lalawigan ng Catanduanes na tanging ang mga APOR lamang at mga indibidwal na may essential travels ang pinahihintulutang makapasok sa islang probinsiya.

Ito ay sa gitna ng mga natatanggap nilang katanungan mula sa mga nasa NCR na nagbabalak at nais nang makauwi sa probinsiya.

Ayon sa IMT, mali umano ang pag-aakala ng iilan na dahil nasa GCQ quarantine status na ang NCR at mga karatig nitong lalawigan ay papahintulutan nang makapasok sa isla ang kahit sino, binigyang diin nito ang katagang GCQ “with restrictions” na siyang nakataas ngayon sa Metro Manila; Bulacan; Cavite; Rizal at Laguna na umiiral mula pa nitong unang araw ng Hunyo hanggang sa Hunyo 15.

Pagbibigay linaw ng IMT, pinahihintulutan ang pag biyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ with restrictions, subalit naka depende pa rin sa lugar na destinasyon ng isang biyahero kung tumatanggap ang mga ito ng non essential travelers dahil sa pagkakaiba-iba ng mga quarantine classifications ng bawat probinsya sa bansa.

Hindi pa rin umano maituturing na “safe zone” ang NCR+ bubbles kaya’t bilang pag-iingat, napagpasyahan ng Catanduanes Provincial IMT na hindi pa rin tatanggap ang lalawigan ng mga non-essential travelers mula sa mga lugar na hindi pa rin “safe zone” mula sa banta ng coronavirus.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, ang islang lalawigan ay nakapagtala na ng 447 na kumpirmadong kaso ng sakit kung saan 174 sa mga ito ang aktibong kaso.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *