Non- remittance of contributions nangungunang violation ng mga employer sa Bicol na isinailalim sa RACE

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 37 written notices ang inisyu ng Social Security System (SSS) sa mga non- compliant employers sa ginawang simultaneous Run After Contribution Evaders (RACE) campaign sa limang sangay sa Bicol Region kabilang na ang DaetĀ  noong April 28.

Ayon sa SSS Luzon Bicol Division sa 37 written notices sa mga non- compliant employer, 33 ay non- remittance of contributions ang violation, tatlo ang non- reporting ng kanilang mga empleado at isang reklamo mula sa empleado.

Umaabot sa P17. 3 milyon ang kabuuang halaga ng combined contribution delinquency at naipong penalty kung saan apektado ang nasa 370 empleado.

Mayroong programa ang SSS na makakatulong sa mga employer na may delingquency para ma- settle ang kanilang oblligasyon.

Ito ay ang Contribution Penalty, Condonation Delinquency Management and restructuring Program (CPCoDe MRP) para sa business employers saklaw ang lahat ng single proprietors, corporations, partnerships, cooperative and associations.

Sa ilalim nito pwedeng i- settle ang kanilang contribution delingquency alinman sa option na one- time payment o installament term na nagri- range ng 12 to 48 months depende sa halaga ng total delinquency.

Ang isa pa ay Contribution Penalty Condonation Program (CPCR-P) para sa household employers kung saan pwedeng i- settle ang unremitted contribution ng kanilang Kasambahay sa pamamagitan ng one- time payment o installment na nagri- range mula 12 to 36 months depende sa halaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *