Nonito Donaire, nagbanta na kakanselahin ang laban nito laban kay John Riel Casimero

Hindi nagustuhan ni WBC world bantamweight champion Nonito Donaire ang mga banat ng kampo ni WBO world bantamweight world champion John Riel Casimero bago ang kanilang nakatakdang tapatan sa Filipino unification bout sa August 14.

Sa live video na naka-post sa Facebook page ng misis niya na si Rachel, ay binatikos ni Donaire ang kaniyang karibal at nagbanta na ipakakansela niya ang laban.

Iginiit ni Donaire na mas maraming pera pa rin ang makukuha si Casimero kaysa sa kaniya kahit ma-knock out pa ito sa kanilang laban, ngunit kung aatras siya sa laban ay walang makukuha na pera si Casimero   .

Binigyang diin ni Donaire na wala siyang pakialam kaugnay sa pagiging undisputed, at kung babastusin lamang ni Casimero ang kaniyang pamilya ay pagbabayarin niya ito ng 100-porsyiento.

Mababatid na nagbabanatan na ang dalawang kampo sa social media mula nang ma-anunsyo ang kanilang laban.

Kabilang sa kanilang pinagtatalunan ay ang random drug testing na isinagawa ng Voluntary Anti-Doping Agency na hiniling ng kampo ni Donaire para kay Casimero.

Sumagot naman ang kampo ni Casimero at sinabi na enrolled na sila sa VADA testing program, na bagay na hindi pinaniniwalaan ng team Donaire, habang nakikipag-komuniskasyon ang kaniyang misis sa ahensya.

Kalaunan ay nakuhanan ng video ang strength at conditioning coach ni Casimero na si Angel “Memo” Heredia habang nagsasalita ito laban sa asawa ni Donaire at gumagawa ng mga rude gestures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *