Nora Aunor, tatanggap ng pinakamataas na pagkilala sa 7th World Class Excellence Japan Awards

Kinumpirma ng National Artist for Film Superstar na si Nora Aunor ang kanyang personal na pagdalo sa nalalapit na 7th World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) 2023 na gaganapin sa Fukuoka, Japan sa October 30.

Dadalo si Ate Guy para personal na tanggapin ang pinakamataas na pagkilala sa award-giving body o ang Golden Honor in the Field of Motion Picture.

Samantala, nagbigay din ng update si Ate Guy tungkol sa kanyang biography book.

Aminado siya na parang roller coaster ride ang kanyang journey. Mula noon, sinamantala niya ang pagkakataon na magpasalamat sa panginoon sa panibagong buhay na mayroon siya ngayon.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, nagkaroon ng near-death expereice si Aunor kung saan binigyan siya ng Panginoon ng isa pang pagkakataon na mabuhay.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *