North Korea, itinanggi ang arms dealing sa Russia

Itinanggi ng North Korea ang pagbibigay ng armas sa Moscow matapos sabihin ng Estados Unidos na nng nuclear-armed state ay nag supply ng mga rockets at missiles sa private military group ng Russia na Wagner.

Tinawag ng Washington ang grupong Wagner bilang isang “transnational criminal organization,” na binanggit ang weapons dealing sa Pyongyang bilang paglabag sa mga resolusyon ng UN Security Council.

Ipinakita ng White House ang mga larawang kuha ng US intelligence sa mga Russian rail cars na pumapasok sa North Korea kung saan kumukuha ang mga ito ng infantry rockets at missiles.

Sa isang pahayag na inilabas ng Korean Central News Agency, itinanggi ng isang senior North Korean official ang mga akusasyon at nagbabala sa US na haharap sa isang “really undesirable result” kung magpapatuloy ito sa pagkalat ng “self-made rumour”.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *