Muling bubuksan ng North Korea ang bansa matapos imbitahan ang mga ilang dayuhang golfers sa isang tournament sa Pyongyang.
Ito’y matapos maging “flexible” ang mga restriksyon ng bansa kaugnay sa COVID-19.
Ayon sa DPR Korea Tour, maaring makilahaok sa kompetisyon ang mga foreign amateur golfers upang makabuo ang mga ito ng pakikipagkaibigan sa mga Koryanong kalahok.
Ibinahagi ito matapos kumpirmahin ng Beijing noong Hulyo ang partisipasyon ng North Korea sa Asian Games ngayong taon na gaganapin sa Hangzhou, China sa Setyembre.
Screenshot from Mihai Titienar 米海 YouTube Channel