North Korea, muling nagpakawala ng dalawang ballistic missiles

Muling nagpakawala ang North Korea ng dalawang ballistic missiles, kung saan ito na ang pangwalong paglulunsad ng Pyongyang sa m ga nakalipas na araw.

Dahil dito, lalo pang tumaas ang malawakang pagkaalarma ng Washington at mga kaalyado nitong Tokyo at Seoul.

Ayon kay Japan’s state minister of defense, Toshiro Ino, na ang parehong missiles ay pumalo sa altitude ng 100 km (60 miles) at saklaw ang range na 350 km.

Anim na minuto lang ang pagitan sa pagpapaputok ng naturang mga ballistic missiles, kung saan bumagsak ang mga ito sa labas ng Japan’s exclusive economic zone.

Inaalam pa ng mga otoridad kung anung klase ng missiles ang inilunsad, kabilang na ang posibilidad, na ito ay maaring submarine-launched ballistic missiles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *