North Korea, naglunsad ng 2 ballistic missiles

Naglunsad ng dalawang ballistic missiles ang North Korea patungo sa baybayin ng Korean Peninsula

Sinabi ng Vice Defense Minister ng Japan na si Toshiro Ino na ang mga missile ay lumapag sa labas ng exclusive economic zone (EEZ) ng Japan at wala naman naiulat na pinsala.

Ang paglulunsad ng missile ng North Korea ay dumating ilang araw lamang matapos na subukan ng bansa ang isang high-thrust solid-fuel engine na sinabi ng mga eksperto na magbibigay-daan sa mas mabilis at mas mobile na paglulunsad ng mga ballistic missiles, habang naglalayong bumuo ng bagong strategic weapons at pabilisin ang mga nuclear at missile program nito.

Ang paglulunsad na pinangangasiwaan ni North Korean leader Kim Jong Un, ay isinagawa noong Huwebes sa Sohae Satellite Launching Ground ng North Korea na ginamit upang subukan ang missile technologies, kabilang ang mga rocket engines at space launch vehicles.

Noong Nobyembre, sinubukan ng North Korea ang isang intercontinental ballistic missile na sinabi ng Japanese officials na may maaaring maabot ang US mainland at lumapag lamang ng 200 kms O 130 miles mula sa Japan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *