North Korea, nagpakawala ng ballistic missile – Seoul

Nagpakawala ang North Korea ng ballistic missile, ilang araw matapos dumating ang US aircraft carrier para sa joint drills sa South bilang show of force laban sa Pyongyang.

Ang paglulunsad kahapon, ay bagong record-breaking blitz ng weapons na sinubukan ng Pyongyang ngayong taon, kabilang na ang pagpapaputok ng Intercontinental Ballistic Missile sa full range, para sa unang pagkakataon simula noong 2017.

Mababatid na nadetect ng militar ng Seoul ang isang short range missile na pinaputok ng North Korea sa palibot ng Taechon sa North Pyongan province papunta ng East Sea.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff (JCS), lumipad ang missile sa 600 kilometers (373 miles) sa may altitude na nasa 60 kilometers, at maximum speed na Mach 5.

Sa gitna nito, binigyang diin ng JCS, na nananatiling buo ang kahandaan ng militar ng South at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa US, habang pinaiigting ang surveillance at vigilance.

Samantala, naglabas naman ang Japan’s coast guard ng babala para sa mga barko matapos ang paglulunsad, kasabay ng pagkukumpirma ni Tokyo’s defense minister Yasukazu Hamada na ang missile ay bumagsak sa labas ng Japan’s Exclusive Economic Zone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *