North Korea, posibleng maglunsad ng bagong missile submarine – Think tank

Posibleng naghahanda na umano ang North Korea para sa paglulunsad ng bagong submarine, na pinaniniwalaang kayang makapagpaputok ng ballistic missiles.

Ito ang inihayag ng U.S.-based think tank batay sa kanilang nakitang commercial satellite imagery.

Sa mga imahe umano ng Sinpo South Shipyard sa east coast ng bansa noong Sept. 18, nabunyag ang anim na barge at vessels na nagtitipon-tipon sa palibot ng construction hall quay.

Ayon sa ulat, na bagama’t paminsan-minsa’y napapansin na ang ilang barge at dry dock sa submarine launch quay sa main construction hall, ang presensya naman umano ng anim na vessels at barge sa naturang area, ay hindi naobserbahan noon.

Ang naturang ulat ay matapos akusahan ni U.S. President Joe Biden ang North Korea na tahasang lumalabag sa U.N. sanctions.

Leave a Reply

Your email address will not be published.