Dumating na si Northe Korea President Kim Jong Un sa Russia para sa inaasahang pakikipagpulong kay Russia President Vladimir Putin.
Nakita si President Kim na bumababa mula sa luxury armored train kung saan ang mga lider ng reclusive state ay karaniwang bumabyahe.
Ito ang kanyang unang paglabas ng bansa matapos ang pandemya, na ikinabahala ng mga western countries.
Naghahanap ang Russia ng suportang pang-internasyonal habang nakikipagpunyagi ito laban sa isang kontra-opensiba ng Ukraine.