Notoryus na magnanakaw na nakalaya noon, balik kulungan matapos magnakaw muli

Himas rehas muli ang dalawang notoryus na magnanakaw na una nang nahuli noon at nakalaya subalit nanloob muli sa isang opisina ng Sorsogon State University Main Campus sa Brgy Salog, East District lungsod ng Sorsogon.

Huli sa Sitio Madan-an, Brgy bibincahan sa ikinasang hot pursuit operations ng mga tauhan ng Sorsogon City Police Station sina Jomar Tabo Magracia, 24-anyos, binata, welder, residente ng Purok 1, Brgy Balogo at Ruel Raborde Dicjoso, 18-anyos, binata, walang trabaho at naninirahan sa Brgy Bibincahan, Sorsogon City.

Nabawi naman ang mga nakulimbat ng mga ito.

Sa ulat na nakalap ng Brigada News, ang mga suspek ay nakapasok sa Reseach and Development Office ng nasabing unibersidad sa pamamagitan ng pagsira ng kandado ng pinto at nang makapasok na ang mga ito sa loob ay sinira ang mga drawers ng tatlong mesa at tinangay ang dalawang laptop.

Tinatayang nasa P130K ang halaga ng nasira at nakulimbat na laptop ng mga kawatan.

Una rito, habang nagsasagawa ng roving inspection ang security guard na nakaduty, ay napansin nito ang dalawang lalaki, ang isa ay may dalang backpack at nang tawagin niya ang atensyon ng mga ito ay biglang kumaripas ng takbo, umakyat sa pader at lumundag patungong kabahayan sa Brgy Balogo.

Nakilala naman ng guwardiya ang dalawang suspek sa pamamagitan ng rogue gallery, sa himpilan ng Pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *