NPA arestado sa pag-ambush sa mga pulis sa Masbate

SORSOGON CITY – Naaresto sa Brgy Cabangrayan ang isang kasapi ng rebeldeng grupong NPA na isinasangkot sa ambush sa ilang personahe ng Pio V Corpus Police sa Masbate tatlong taon na ang nakakaraan.

Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Masbate PNP at 9th Infantry Division, Phil Army si Jessie Rosales Dela Cruz, 43-anyos, may asawa, magsasaka at naninirahan sa nasabing barangay.

Si Dela Cruz umano ay isang aktibong miyembro ng Larangan 2, Kilusan Partido 4 na pinamumunuan ni Rogelio Suson alias Manong, commanding officer ng nasabing platun.

Inaresto si Del Cruz sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 49-Cataingan, Masbate sa kasong paglabag sa RA 9851 o ‘Phil. Act on Crimes against International Humanitarian Law, Genocide and other Crimes against Humanity’ na walang kaukulang piyansa.

Kung babalikan, Agosto 2018 nang pinasabugan ng IED at pinaputukan ng mga kasapi ng NPA ang mga pulis habang rumeresponde ang mga ito sa isang krimen.

Sugatan sa tama ng shrapnels ang apat na pulis na miyembro ng Pio V Corpus Police at 2nd Police Mobile Force Company.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *