NPA, arestado sa patong-patong na kaso

Nahaharap sa tatlong kaso ang isang 32-anyos na miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraan itong arestuhin ng mga tauhan ng Sorsogon City Police Station, bilang lead unit at iba pang operatiba ng PNP sa Brgy Pangpang, Sorsogon City.

Nakilala ang akusado na si Christian Escorido Hubilla alias Laloy, aktibong miyembro ng Platun 1, L1, KP3 sa ilalim ng Celso Minguez Command.

Isinilbi kay Hubilla ang tatlong warrant of arrest na inisyu ng RTC Br 52 at Br 54 sa mga kasong murder na walang itinakdang piyansa, attempted murder na may inirekomendang piyansa na P120K at frustrated murder na may piyansang P200K.

Si Hubilla ay sangkot sa pagpatay sa isang Former Rebel na si Antonio Hadap Benzon Jr. alias Ka Pita noong Pebrero 22, 2020 sa Casiguran Cockpit sa Brgy Colambis ng nasabing bayan.

Itinuturing itong Rank No. 5 Regional Most Wanted Person.

Nasa kustudiya na ito ngayon ng SCPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *