NPA member sa Palawan, sumuko na

Sumuko na ang isang 28 anyos  na miyembro ng Bienvenido Vallever Command sa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya ng Sub-Regional Military Area nitong Huwebes, June 23, 2022 ng hapon.

Ayon sa Police Regional Office- MIMAROPA, ito ay si “Ka Ermon”, 28 mula sa Sitio Bagto, Brgy. San Nicolas, Roxas, Palawan na sumuko sa mga element ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company sa panunguna ni Police Lieutenant Colonel MHARDIE R AZARES.

Isinuko rin ni “Ka Ermon” ang isang unit ng Caliber .38 revolver pistol. 

Ang pagsuko ni “Ka Ermon” ay naging matagumpay dahil sa masigasig na pagta-trabaho ng Provincial Intelligence Unit of Palawan PPO, Roxas Municipal Police Station, 1st Palawan Provincial Mobile Force Company, Puerto Princesa City Mobile Force Company, Marine Battalion Landing Team 3, Naval Intelligence at Security Group-West.

Kaugnay nito ay pinuri  at pinasalamatan ni Police Brigadier General SIDNEY SULTAN HERNIA, MIMAROPA Police Regional Director ang patuloy na pagsisikap o kampanya kontra terorismo sa pakikipagtulongan ng Philippine Army, mga ahensya sa ilalim ng NTF-ELCAC.

Samantala, ipinagmalaki ng pambansang pulisya na simula noong January 1 hanggang June 23, 2022 ay umabot na sa 81 na mga miyembro at taga-suporta ng Communist Terrorist Group ang sumuko na sa Police Regional Office MIMAROPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.