NPCS, ipinapatupad na sa 4 na MPS sa Sorsogon

Ipinapatupad na sa apat na municipal police station (MPS) sa lalawigan ang National Police Clearance System (NPCS) ng Police Regl Office 5 bilang kapalit sa dating Police Clearance na pang lokal lang.

Ang mga himpilan ng Pulisya na nagpapatupad na nito ay ang Bulan MPS, Sorsogon City Police Station, Gubat MPS at Pilar MPS.

Ang NPCS ay isang komprehensibo, mabilis, maginhawa at maaasahang sistema para sa pagpapalabas ng Police Clearance sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng NPCS, pinagsama-sama na ang lahat ng PNP records sa bansa at lungsod sa isang database o tinatawag na centralized system upang madali ang pagsusuri sa isang criminal record ng isang indibidwal.

Sa kasalukuyan, ang mga MPS na hindi pa kasama sa NPCS ay pinagbabawalan muna na magbigay ng police clearance subalit kinakailangan nilang gumabay sa mga gustong kumuha ng national police clearance sa pamamagitan ng online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *