Target ng National Printing Office (NPO) na makapag-imprinta ng average na tatlong milyong balota araw-araw.
Nabatid na mahigit 91 million na mga balota ang kinakailangang maimprinta para sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, na ang verification process naman ay aabutin ng limang araw.
Umaasa naman ang poll body na sa ikalawang linggo ng Nobyembre, masisimulan na nila ang pagpapadala sa lahat ng mga balota at election paraphernalia.
Una nang sinabi ng poll chief, na magtutuloy-tuloy ang kanilang paghahanda para sa local elections, habang wala pang batas na mag-uutos para sa pagpapaliban nito.