NSA Año – muling idiniing diplomasiya ang paiiralin ng PH sa WPS issues

Tiniyak ni National Security Adviser and National Security Council (NSC) Director General Eduardo Año na isusulong pa rin nila ang mapayapang pagresolba sa isyu ng bansa at China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Año, paiiralin nila ang ‘dialogue and diplomacy.’

Ito ay matapos ang naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na kailangan pang gumawa ng pamahalaan ng ibang mga hakbang, at hindi lang ang paghahain ng mga protest laban sa mga aksyong ginagawa ng China.

Binigyang-diin ni Año na kasabay ng pagtuligsa nila sa ‘hostile behaviors’ ng kapitbahay na bansa, hindi mawawala ang kanilang commitment para sa pagkakaroon ng kapayapaan at katatagan sa ating teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *