NSA-designate Carlos, nakipagpulong na kina outgoing NSA Esperon, outgoing SND Lorenzana

Nakipagpulong na si incoming National Security Adviser Clarita Carlos sa ilang mga top defense and intelligence officials ng outgoing administrastion para matiyak ang maayos na pagsasalin ng kapangyarihan, trabaho, at mga dokumento’t impormasyon ng tanggapan.

Halos isang linggo bago ito maupo sa puwesto, nakipagkita si Carlos kay outgoing NSA Hermogenes Esperon.

Dito ay nakagpasunduan umano ang dalawa sa ilang mga priority projects na nakatutok sa segudirad ng Pilipinas.

Samantala, kinumpirma rin ni outgoing Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpulong na rin sila ni Carlos para talakayin ang ilang mga hakbang sa pagpapalakas ng defense sector sa bansa at ang counterinsurgency operations ng Armed Forces of the Philippines.

Natalakay din umano ang mga programa ng NTF-ELCAC pati na rin ang isyu sa mga pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Matatandaang una nang sinabi ni Carlos na buaks pa rin ito sa pagpapatuloy ng NTF-ELCAC sa susunod na administrasyon ngunit hindi nito suportado ang ginagawa nilang red-tagging o ‘yung pag-uugnay sa ilang grupo o indibidwal sa mga komunistang rebelde.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *