Reconnaissance and surveillance lamang daw ang ginagawa ng Amerika sa pagpapalipad nila ng US Navy plane sa Ayungin resupply mission na ginawa ng gobyerno ng bansa.

Ito ang sinabi ni National Security Council o NSC assistant director-general Jonatahan Malaya.
Sinabi rin ng opisyal na may koordinasyon sa gobyerno ang paglipad ng US aircraft.
Nilinaw ni Malaya na walang saklolong nangyayari dito dahil kayang-kaya ng Pilipinas ang ating resupply mission.
Maalalang nitong September 8, nagsama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard sa resupply mission sa Ayungin Shoal, na pilit hinaharang at ginipit ng China.
Isang Boeing P-8 Poseidon reconnaissance aircraft ang namonitor sa ginawang resupply mission.