Makalipas ang dalawang dekada, magbabalik ang kilalang 90’s boy band na NSYNC sa kanilang bagong kanta.
Ang single nitong “Better Place” ay itinampok sa opisyal na trailer ng DreamWorks Animation na “Trolls Band Together.”
Ipapalabas sa lahat ng streaming platforms ang kanta sa ika-29 ng Setyembre bago ang cinematic release ng pelikula sa Nobyembre.
Ilang araw lang ang nakalipas matapos ang pagbabalik entblado nila Justin Timberlake, JC Chasez, Joey Fatone, Lance Bass, at Chris Kirkpatrick sa 2023 MTV Video Music Awards para itanghal ang Best Pop award kay Taylor Swift.