NTC, aprub sa pag-block ng umano’y ‘communist-related’ websites; Ilang grupo, pumalag

Mabilis na inaprubahan ng National Telecommunications Commission ang kahilingan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na i-block ang mga websites na ‘di umano ay konektado sa mga komunista at sumusuporta sa mga teroristang grupo.

Sa isang memo, ipinag-utos na ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga internet service providers na i-block ang 26 mula sa 28 na mga websites na nakapaloob sa hiling ni Esperon.

Nakapaloob sa hiling ni Esperon na i-block ang access sa ilang mga websites kabilang na ang website ng National Democratic Front of the Philippines, website ng BAYAN, website ni CPP founding chairperson Joma Sison at iba pa.

Sa kabila nito, binatikos ng grupong PAMALAKAYA ang naging hakbang ng NSA at NTC.

Sa isa namang tweet, sinabi ni UP Journ Professor at press freedom advocate na si Danilo Arao na isa na naman itong hakbang ng red-tagging at pagsupil sa malayang pamamahayag ng media.

Sa natulang liham kasi ni Esperon, ipinasasara rin ang iba pang mga independent news outfits at media organizations kagaya ng Bulatlat at Pinoy Weekly.

Samantala, sinabi naman ni Justice Undersecretary Adian Sugay na kung mayroon mang na-agrabyado sa maling paggamit o aplikasyon sa probisyon ng Anti-Terrorism Council, mayroon naman umanog mga remedyo na nilalaman ang batas at bukas ang husgado para rito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *