Naglabas ng bagong guidelines ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa pagpaparehistro ng SIM cards.

Ayon kay NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, sa pag-register ng SIM kailangan nang ‘mag-live selfie’ alinsunod sa bagong memorandum order ng ahensya.
Dagdag pa ni Lopez, hindi na tatanggapin ng ‘live selfie’ ang mga stock photos; kaya’t wala nang unggoy na makakapagparehistro dito.
Tiniyak sa bagong alituntunin na ang mga nagparehistro ay pawang mga lehitimong user.