NTC patuloy na nagbibigay babala sa publiko kaugnay ng naglipanang personalized text scam

Patuloy ang ahensya ng National Telecommunication Commission (NTC) sa pagbibigay babala sa publiko kaugnay ng kasalukuyang naglipanang mga text scam.

Ayon kay kay Engr. Ryan De la Cruz ng National Telecommunication Commission (NTC) Regional Office V, sa panahon ngayon ay mas dapat na magdoble ingat ang publiko dahil kasama ng pag-evolve ng teknolohiya ay nagiging personalized na ang mga text scams kung saan pinapangalanan na ang pinadadalhan ng text kaiba sa mga text scam tatlong taon na ang nakakaraan na generic ang approach na ginagamit ng mga scammers.

Kaugnay nito, paalala ng ahensya sa publiko na maging mapanuri at sakaling makatanggap ng text scam ay huwag na lamang itong pansinin, huwag sagutin at huwag sundin ang mensahe.

Maaari din umano itong ireport sa kanila sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] kung saan dapat na nakalagay sa sulat ang pangalan, contact number at address gayundin ang inirereklamong cellphone number at ang screen shot ng text scam at mag attached ng government issued ID. Puwede din magreport sa website ng kanilang ahensya. Una rito, sinabi ng opisyal na text scam ang isang text kung ito ay nag-aalok ng pabuya, pera, o trabaho at mayroong clickable weblink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *