NTC sa telcos: ipatupad ang 90-day extension sa SIM registration

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga public telecommunications entities (PTEs) na ipatupad ang 90-days na extension para sa pagpapatupad ng SIM registration.

Ayon sa Memorandum Order na nilagdaan ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, sa halip na hanggang noong Apr. 26 na lamang ay tatagal pa hanggang July 25 ang SIM registration sa bansa.

Ang pagpapalawig sa SIM registration ay kasunod ng rekomendasyon ng NTC sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kasunod ito ng written requests ng tatlong PTEs na DITO, Globe at Smart na humihiling na mapalawig pa ang registration period.

Samantala, ipinatawag naman ng NTC ang mga kinatawan ng tatlong kumpanya para matalakay sa pagpupulong ang guidelines upang mas mapadali pa ang SIM registration process at maitaas ang bilang ng mga magpaparehistro.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *