NTC, tinukoy ang 45 na mga remote areas para sa mas malakas na SIM registration efforts

Umaasa ang National Telecommunications Commission (NTC) na makakakonekta ang mga telco players ng mas marami pang mobile subscribers sa kanilang IDs, matapos na tukuyin ng ahensya ang 45 pang remote areas para sa SIM registration.

Ayon kay NTC Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca Lopez, mas maganda umanong mapanatili o taasan ang kasalukuyang takbo ng daily SIM registration para maabot ang deadline na 26 April 2023 na marehistro ang lahat ng SIM.

Dagdag ni Lopez na sa tinukoy na 45 remote areas sa 15 rehiyon sa buong bansa, kasama umano dito ang ilang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kaugnay nito, simula sa Jan. 25, nais ng NTC na magkaroon ng simultaneous rollout ng SIM registration activities sa naturang mga tinukoy na lokasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *