Naniniwala ang isang opisyal mula sa National Task Force Against COVID-19 na nakontrol na ng bansa ang naturang sakit.
Ayon kay NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa, ito ay dahil nagtatala ang Pilipinas ng positivity rate na mas mababa sa 5% sa loob na ng dalawang linggo.
Noong Martes lang, nagtala ang bansa ng positivity rate na 2.3%, na pasok sa benchmark ng World Health Organization na 5%, maging ng Center for Disease Control and Prevention na 3%.
Sa kabila nito, binigyang diin ni Herbosa na hindi ito nangangahulugan na nawala na ang COVID-19 sa bansa.