NTF -ELCAC nagpasalamat sa mga Pilipino sa hindi pagboto sa mga red-linked partylist groups

Pinasalamatan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga Pilipino dahil sa hindi nito pagboto sa mga party-list groups na sinasabing konektado sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa isang press statement sinabi ni NTF ELCAC spokesperson for sectoral concerns and Communications Undersecretary Lorraine Badoy ikinatuwa nito ang maliit na botong nakuha ng Reds-linked party-list groups na Bayan Muna at Anakpawis.

Dagdag pa ni Badoy malapit na mapunta sa ‘extinction” ang Bayan Muna na nakakuha na lamang ng 200,000 votes kumpara sa mahigit isang-milyong boto noong 2019 elections.

Ayon kay Badoy, ang pagboto sa mga Reds-linked party-list  palabas ng Kongreso ay “ang pinakamasidhi na pagpapahayag” ng pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksyon sa mga inosente, tulad ng mga bata, katutubo, at mahihirap.

Pinasalamatan din niya ang mga Pilipino sa pagbawas sa kalahati ng bilang ng mga puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan para sa inilarawan niyang “urban operatives ng CPP NPA NDF.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.