NTF-ELCAC tinutulan ang panukalang proteksyon sa mga human rights defender na isinusulong sa Kamara

Tinutulan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang panukalang proteksyon sa mga human rights defender na isinusulong sa Kamara.

Sa isang pahayag, sinabi ng NTF-ELCAC na ang inihaing House Bill (HB) No. 77 o ang Human Rights Defenders’ Protection Act ay isang ay “grave, vicious, and insidious threat” laban sa demokrasya.

Ang panukalang ito anila ay mag-aalis ng pangil sa naipasang mga batas kontra terorismo katulad ng Anti-Terrorism Act, Anti-Money Laundering Law na inamyendahan, at ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.

Ngayong buwan lamang inihain sa Kamara ang HB No. 77 kung saan binibigyang mandato ng panukalang ito na igalang, suportahan at protektahan ng pamahalaan ang karapatan ng mga human rights defenders, kasabay ng pagsisiguro na mapoprotektahan ang mga ito laban sa anumang uri ng intimidation.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *