NTF ibinaba sa 9-million ang vaccination output sa National Vaccination Days

Ibinaba ng pamahalaan ang target na bilang ng mga mababakunahan sa ikinasang tatlong araw na National Vaccination Days.

Mula 15-million, nasa 9-million jabs nalang ang target vaccination output ng National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center sa tatlong araw na bakunahan na magsisimula sa November 29 hangang December 1.

Paliwanag ng NTF at NVOC ginawa ang adjustment matapos konsultahin ang mga local chief executives sa mga probinsiya, lungsod at bayan pati na ang kanilang resource management at logistics team.

Isa din sa mga ikinonsidera ayon sa NTF, ay ang kakulangan ng ancillary supplies partikular na ng mga syringes.

Sa ngayon patuloy umanong isinasapinal ang lahat para matiyak na magiging maayos at hindi magkakaroon ng aberya sa tatlong araw na National Vaccination Days.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *