Nuggets nasungkit ang Western Conference title matapos i-sweep ang Lakers

Naghari sa Western Conference ang Denver Nuggets matapos i-sweep ang Los Angeles Lakers sa isang makapigil-hiningang NBA West semis Game 4, 113-111.

Sumandal ang Nuggets sa isang matinding depensa sa huling apat na segundo ng laban matapos mapigilan ang sana’y lay-up ni Lebron James para itabla ang score.

Sa unang dalawang quarter ay lumamang pa ang Lakers ng hangang 15 points bago ang 36 to 16 run ng Nuggets sa third period.

Nanguna sa panalo si Nikola Jokic na muling pumoste ng triple-double sa kanyang 30 points, 14 rebounds, at 13 assists habang si Jamal Murray naman ay may-ambag na 25 points.

Sa panig ng Lakers, humakot ng 40-points at 10 rebounds si James at 21 points naman si Anthony Davis.

Ito ang kauna-unahang Western Conference title ng Nuggets at unang NBA Finals appearance din ng franchise sa loob ng mahigit apat na dekada sa liga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *