NUP huli sa drug buybust operation sa Camarines Sur

NAGA CITY- Timbog sa drug buy bust operation ang Non-Uniformed Personnel o NUP ng Magarao Municipal Police Station.

Matagumpay ang operasyong pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA katuwang ang ilang unit ng PNP Camarines Sur , Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), Criminal Investigation Group (CIDG), Provincial Intelligence Unit  , PNP Magarao at PNP Calabanga laban sa subject na si Norberto Elopre y Sergio a.k.a Obet Elopre, 36-anyos residente ng  Brgy.San Miguel , Calabanga, Camarines Sur.

Kung saan nakabili ang operatiba ng isang pakete ng hinihinalang shabu at narekober ang apat na selyadong pakete na nagkakahalaga ng P47, 600.00.

Ang mangiyak-ngiyak na si  Elopre ang isa sa radio operator ng PNP- Magarao, monitored nito ang galaw ng mga pulis kung kaya ayon sa mga operatiba. Sigaw niya na “set-up” lamang.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PDEA Provincial Officer Mark Anthony Viray , dumaan sa masusing monitoring ang operasyon katuwang ang pulisya.  Hindi rin inaalis ng PDEA ang posibilidad na taga timbre si Elopre sa mga kasabwat kung gumagalaw ang PNP Magarao.

Kung sinasabi aniya na na set-up lamang may body cameras ang PDEA na makakapagsabi ng pangyayari.

Inaalam pa kung sino ang mga kasama sa iligal na transakyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *