Kinundena ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang pagkamatay ng isang National Democratic Front (NDF) consultant sa nangyaring engkuwentro sa Negros Occidental.
Sa isang pahayag, naniniwala ang NUPL na isang ‘summary execution’ ang pagkakapatay kay Ericson Acosta at isa pang kasama.
Una na kasing sinabi ng Philippine Army na nauwi sa palitan ng putok ang ginawang pag-aresto sa NDF consultant; pero sinabi ng NUPL na mayroon umanong mga sources na nagsasabing buhay na nahuli si Acosta.

Dahil dito, nanawagan ang grupo ng independent at impartial investigation sa kaso.
Dapat din anilang mapanagot ang responsable sa pagkamatay nina Acosta.
Sinabi pa ng NUPL na si Acosta, na isa nilang kliyente, ay inaresto na rin noong February 2011 dahil sa mga ‘trumped up charges’.
Matatandaaang si Acosta ay isang peace advocate, poet, at manunulat.
Nakaraang taon nang mapatay din ang asawa nitong si Kerima Lorona Tariman sa Negros Occidental.//SMM
#