Nutoryos Member ng Sindikato ng Droga, Nasakote ng PDEA BARMM

NASAKOTE ng PDEA BARMM ang isang miyembro ng notoryus ng sindikato ng nagpapakalat ng iligal na droga kasunod ng matagumapay buybust operation sa pangunguna ni RD Gilbert Buenafe alas Onse ng gabi kagabi sa Masigay, 10th Road, Barangay Rosary Heights 5.

Ang suspek ay kinilala ni RD Buenafe na si SIMION HADJINOR ANGKAL, 35 anyos, may asawa, isang magsasaka na residente ng lugar.

Ayon kay Buenafe, aktong nahuli ng mga operatiba sa pagbebenta ng iligal na droga ang suspek na matagal na umano minamanmanan ng kanilang tanggapan at sa pamamagitan ng tiyaga at ibayong pag-iingat ng troa ng PDEA BARMM ay naconsumate aniya ang buybust transaction.

Nakuha mula sap ag-iingat ng suspek ang nasa magit 20 gramo ng shabu na may national average price na P136,000.00, at mga samutsaring mga samutsaring ID.

Nasa custodial facility na ngayon ng PDEA BARMM ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 at Section 5 ng Article 2 ng RA9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *