Nutrition Information Disclosure Bill sa pagkain sa mga restos at food chain inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso; ASIN Law, nais na amyendahan

Naghain ng panukalang batas ang Sorsoganon at Representante ng Agri-Partylist na si Wilbert Lee na nag-uutos sa lahat ng mga restaurant at iba pang food establishments na ibunyag ang nutritional information ng kanilang menu para sa mas mahusay na pag-unawa sa mga nilalaman ng pagkain na inihahain.

Layunin ng panukalang batas na protektahan ang diet conscious at ang mga may malalang sakit katulad ng mga may diabetes at may mga chronic diseases na mabantayan ang kanilang diet kapag kumakain sa mga restaurants at food chains.

Umaasa ang Bicolanong congressman mula sa Sorsogon na ang panukalang batas na ito ay malaki ang maitutulong sa mga may sakit at health conscious na mga indibidwal.

Kung maipapasa ang HB # 2421 ay mag-uutos ito sa mga food service establishment na ilagay sa kanilang menu ang mga sumusunod: bilang ng calorie, kabuuang gramo ng carbohydrate, saturated fats, protina at kabuuang milligrams ng sodium.

Ipinahayag din ng Kongresista na sinusuportahan niya ang pag-amyenda sa ASIN Law o Act for Salt Iodization Nationwide, para alisin ang pagbabawal sa pagbebenta ng non-iodized salt para matulungan ang mga lokal na magsasaka na madagdagan ang kanilang kita.

Sa ilalim kasi ng ASIN Law, kailangang iodized ang lahat ng food grade salt para sa human at animal consumption.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *