Oath taking, donning at pinning of ranks, isinagawa ng PNP Bicol

Pinangunahan ni PBGen. Rudolph B. Dimas, RD, PRO5 ang sabay-sabay na oath-taking, donning at pinning of ranks ng 2nd level uniformed personnel sa ilalim ng CY 2022 regular promotion program kahapon, Enero 10, 2023 sa PRO5 Grandstand Camp BGen Simeon A Ola, lungsod ng Legazpi.

May kabuuang 2,530 ang nakasuot at nanumpa sa aktibidad kung saan 184 ang Police Commissioned Officers at 2,346 Police Non-Commissioned Officers.

Sa isang mensaheng hatid ni Dimas ay ipinaabot niya ang kanyang mainit na pagbati sa mga nagpo-promote at sa kanilang mga pamilya.

Aniya, ang kanilang promosyon ay tanda ng kahandaan na isagawa ang mga responsibilidad at gumawa ng mas mahusay sa hinaharap.

Dagdag pa rito, hinihimok pa nito ang lahat na muling magkaisa sa pagharap sa taon nang walang katiyakan ngunit may pangako at pag-asa na magagawa at maghatid ng dekalidad na serbisyo sa publikong pinaglilingkuran at pinoprotektahan at tumulong na lumikha ng mas ligtas, mapayapang rehiyon rehiyon para mamuhay, magtrabaho at magnegosyo ang lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *