Sports

Obiena, itinanggi ang mga alegasyon ng PATAFA

Naniniwala ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena na gumagawa ng paraan ang mismong federation niya na Phillippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) upang siya ay siraan bilang isang atleta.

Ito ay matapos maiulat noong Linggo na inutos ng PATAFA kay Obiena na magbayad ng 85,000 euros o P4.8-million.

Dahil ito sa kabiguan umano ng pole vaulter na bayaran ang kaniyang coach na si Vitaly Petrov habang nagpasa rin umano si Obiena ng “falsified liquidations” sa federation.

Agad naman pinabulaanan ni Obiena ang mga nasabing alegasyon.

Sinabi ng 26-year old pole vaulter na welcome sa kaniya na maimbestigahan ng kahit anong korte ang alegasyon ng federation kung tunay na may ebidensya silang maipepresenta.

Ipinunto ni Obiena na naghain na siya ng mga reklamo sa Philippine Olympic Committee, International Olympic Committee, at World Athletics, para sa posibleng kaso ng slander at defamation of character.

Tiniyak naman ni Obiena na lalabanan niya ang mga akusasyon at sinabi na ang tanging solusyon para rito ay ang pag-atras ng imbestigasyon at paghingi ng mga otoridad ng “full public apology”.

Samantala, base sa ulat ng pahayagang Inquirer ay pansamantalang sinuspinde ang funding para kay Obiena, na kasalukuyang nagsasanay sa Formia, Italy, habang meron nang komite ang binuo para imbestigahan ang isyu.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

17 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

17 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

17 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

17 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

17 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

17 hours ago