OCD Bicol, naka-blue alert status na ngayong Semana Santa

LEGAZPI CITY – Nakablue alert status na ang Office of Civil Defense (OCD) simula  noong Abril 2-10 ng kasalukuyang taon dahil sa Semana Santa.

Ayon kay OCD Bicol Spokesperson, Gremil Naz, tuwing sasapit ang Semana Santa ay nilalagay sa blue alert ang buong Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Bicol upang masiguro ang koordinasyon sa lahat ng national government agencies at local government units (LGUs) at mapabilis ang pagbibigay ng impormasyon o reports na kakailanganin ng kanilang tanggapan.

Aniya, ito rin ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda, sakaling sa hindi inaasahan ay magkaroon ng natural hazard tulad ng pagputok ng bulkan, earthquake incident or major untoward incident, kung saan mayroong personnel na agad tutugon sa mga LGUs.

Maliban pa rito, ang nasabing status ay para rin sa pagbibigay ng seguridad sa publiko ngayon Semana Santa.

Dagdag pa nito, pansamantala ring kinansela ang bakasyon ng kanilang mga tauhan na obligadong magbantay sa sitwasyon ngayong Semana Santa.

Sinabi ng opisyal, naka-deploy na sa mga pantalan sa rehiyon ang mga tauhan upang tiyaking ligtas ang biyahe ng mga sasakyang pandagat at mga pasahero. Samantala, paalala ng OCD Bicol sa publiko, lalo na sa mga babiyahe o driver ng mga sasakyan na magdoble-ingat at kung sakali mang makaramdam ng antok, kung maaari ay itabi sa kalsada at umidlip muna ng ilang oras upang maiwasan ang anumang aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *