OCD nagpaalala sa mga LGU na mahina ang disaster preparedness

NAGA CITY – Nakamonitor ngayon ang Office of the Civil Defense sa mga local na pamahalaan sa Camarines Sur na may mahinang paghahanda sa disaster management.

Bagamat hindi binanggit ni Retired Brig. Gen. Claudio Yucot, Regional director ng OCD-Bicol kung aling mga LGUs, sinabi niyang binabatayan nila ang mga bayang ito, sabay na rin ng pagpaalala sa mga local executives.

Sa pagharap sa media at sa Brigada News FM Naga ni Yucot, sinabi nitong ang mga lugar na may mahinang programa pagdating sa disaster ay iyong mga prone pa sa pagbabaha at sa pag landslide.

Paliwanag ng retiradong heneral na may mga budget ang bawat local na pamahalaan para sa mga programa sa disaster, kaya dapat hindi mawalan ng programa at aktibidad para dito, sa mga barangay at sa mga paaralan.

Masyado na anyang mapanganib ang panahon ngayon dahil sa epekto ng climate change, kaya hindi dapat na balewalain.

Kaugnay nito, nakatakdang mag-ikot sina Yucot sa Camarines Sur, para patuloy na i-evaluate ang mga LGUs sa mga ginagawang programa hinggil sa kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *