OCD, tiniyak na handa ang gobyerno sakaling may tumama na malakas na lindol sa Pilipinas

Patuloy umano ang ginawa ng gobyerno na mga pagsisikap bilang paghahanda para sa posibleng malakas na lindol na maaring tumama sa Pilipinas.

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD)  Joint Information Center head Diego Mariano, na batid naman ng lahat na ang Pilipinas ay laging tinatamaan ng lindol, bilang ito ay nasa Pacific Ring of Fire.

Dagdag ni Mariano, na ang naturang mga paghahahanda ay kinabibilangan ng quarterly na pagsasagawa ng national simultaneous earthquake drills, kung saan nagsasagawa ng rehearsal ang mga mamamayan para sa paglikas at ang “duck, cover, and hold” protocol.

Dahil sa naturang drill, determinado ang mga otoridad kung anu ang mga polisiya at kagamitan ang dapat madevelop.

Samantala, nagsasagawa na ang gobyerno ng mapping of hazards sa mga lugar na nasa active faults.

Binigyang diin naman ni Mariano ang kahalagahan ng National Building Code, dahil ang mga bagong istruktura ay kailangang itayo na tumatalima sa mga guidelines para matiyak na kaya nitong magsurvive sa mga lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *