OCTA: 4k daily COVID-19 cases, posible ngayong Holiday Season

Hindi isinasantabi ng OCTA Research ang posibilidad na muling lumobo ang bilang ng mga maitatalang COVID-19 cases ngayong Holiday Season.

Sa isang panayam, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David – posible ang 2,000 bagong kaso na maitatala kada araw sa Metro Manila.

Maaari rin aniyang makapagtala ng 4,000 average daily cases sa buong bansa.

Isa sa mga tinitignang dahilan dito ay ang muling pagtaas ng mopbility ng publiko dulot ng face-to-face classes, pati na rin ang optional na mask wearing sa mga outdoor areas.

Umakyat na rin aniya sa 19.1% ang positivity rate sa Metro Manila – ‘o ‘yung bilang ng mga nagpopositibo sa mga nagpapa-test para sa COVID-19.

Bago ito, una nang nanawagan si Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa publiko na sa paparating na mga events at parties ngayong Pasko – patuloy pa ring mag-ingat at sumunod sa mga health protocols.
#


#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *