OCTA: COVID cases sa Metro Manila, maaring nag-peak na

Inihayag ng OCTA Research na ang mas mababang positivity rate sa nakalipas na linggo ay nagsasabi na maaring nagpeak na ang mga kaso ng Covid-19 sa Metro Manila.

Ayon kasi kay OCTA fellow Dr. Guido David, bumagsak ang Covid-19 positivity rate sa Metro Manila mula sa 26.1 percent noong May 14 sa 25.2 percent noong May 21.

Dagdag pa ni David, na ang hospital occupancy ng Metro Manila para sa mga pasyente ng Covid-19 ay bumababa mula sa 29.7 percent noong May 14 sa 28.8 percent noong May 21.

Mababatid na itinakda ng World Health Organization ang benchmark sa 5 percent para sa positivity rate.

Sa gitna nito, nakikita naman ng OCTA fellow na magtatala ang bansa ng 900 hanggang 1,000 na mga bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *