Hindi na inaasahan ng OCTA Research group na magkakaroong muli ng pagsirit sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang ginawang pahayag ni OCTA fellow Guido David kasunod ng pagkaka-detect ng ‘mas nakahahawa’ at ‘mas immune-evasive’ na BQ.1 Omicron subvariant sa bansa.
Sa isang panayam, sinabi ni David na hindi na nila tinitingnang magkakaroon pa ng mataas na surge sa mga bagong infections ng COVID.

Sa kabila niyan, hindi pa rin aniya iniaalis ng OCTA ang posibilidad na bahagyang tumaas ang kaso ngayong Pasko.
Bago ito, una nang sinabi ni Department of Health – Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman na kung titingnan ang projections ng ‘FASSSTER’, posibleng makapagtala ng 2,000 new cases kada araw sakali mang hindi sumunod ang publiko sa minimum public health standards ngayong holiday season.
#
RELATED STORIES: