OCTA: Higit sa 2,000 bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kada araw, posible

Posible umanong sumipa sa 2,000 ang maitatalang bagong COVID-19 cases lkada araw sa Metro Manila.

Ito ay batay sa bagong projections ng OCTA Research.

Ayon kay OCTA fellow Guido David, ito ang maaaring maitala sa sa pagpasok ng Oktubre.

Tumaas kasi ang reproduction number sa Rehyon mula sa 1.19 noong September 12 – sa 1.26 nitong Septemer 19.

Ang reproduction number ay ang bilang kung ilan ang nahahawa ng isang infected individual.

Naitala rin sa 17.5% ang positivity rate sa buong linggo hanggang nitong September 21 mula sa 14.3% noong September 14.

Sa kabila nito, nananatili pa ring mababa ang healthcare utuilization rate sa 38% at ICU itilization sa 30%.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *