OCTA, iginiit na hindi kailangan ng ‘lockdowns’ sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19

Iginiit ng independent monitoring group na OCTA Research na hindi kailangan magpatupad ng ‘lockdowns’ sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research fellow Professor Ranjit Rye, hindi na din umano kinakailangan magtaas ng alert levels.

Aniya, ang dapat sa ngayon ay malaman ng mga Pilipino na kumakalat pa din ang naturang virus kung saan dapat mag-ingat ang lahat at sumunod sa mga health protocols.

Samantala, sinabi ni Rye na hindi nakakabahala ang surge at ang dapat umanong gawin sa ngayon ay mag-adjust ng behavior kaugnay sa mga ipinatutupad na safety standards.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.