OCTA, napansin ang ‘serious surge’ sa NCR

Napansin ng OCTA Research group ang “serious surge” sa kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, at sinabing posibleng ito ay indiskasyon ng community transmission ng mas nakakahawang Delta variant sa rehiyon.

Batay sa latest monitoring report ng OCTA, nagtala ang NCR ng 1,740 na mga bagong kaso ng COVID-19 noong July 31, na pinakamataas na bilang ng infections sa Metro Manila simula noong May 10, 2021 nang nasa ilalim rin ang capital region sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon sa research group, ang seven-day average sa NCR ay tumaas ng 40 percent sa 1,249 cases mula sa naunang linggo nito na 913, habang ang reproductive number ay tumaas sa 1.52 mula sa nakaraang linggo na 1.29.

Maliban dito, ang hospital occupancy rate sa rehiyon ay tumaas rin ng 45 percent mula sa 38 percent, habang ang intensive care unit (ICU) utilization rate ay tumaas ng 52 percent mula sa 45 percent. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *