OCTA, napansing bahagyang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa NCR

Iniulat ng OCTA Research Group na bahagyang tumaas ang seven-day positivity rate para sa COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, na ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) ay tumaas sa 2.4% noong Jan. 27 mula sa 2% noong Jan. 26.

Sinabi ng independent pandemic monitor na nasa 2.5% ang positivity rate sa metropolis noong Jan. 20.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng mga tenets ng mga tao na mayroong positibong resulta.

Mababatid na itinakda ng World Health Organization (WHO) ang positivity rate benchmark sa below 5%.

Samantala, hindi pa naman nag-aanunsyo ang WHO committee ng kanilang desisyon kung mananatiling global health emergency ang COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *