OCTA nilinaw na hindi inirerekomenda ang ECQ sa NCR

Nilinaw ngayon ng OCTA research group na hindi nila inirerekomenda na muling ilagay sa Enhanced Community Quarantine ang National Capital Region upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang COVID-19 delta variant.

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David ang ipinapanukala lamang nila ay ang paghihigpit sa mga ipinapatupad na health and sefety measures.

Kabilang na dito ayon kay David ang pagpapahaba ng curfew hours at pagbawas sa kapasidad ng mga establisiyemento.

Inilahad ni David na 50% na mas nakakahawa ang delta variant sa indoor dahil mayroong itong 1,000 percent viral load.

Binigyan-diin naman ni David na ito ay suhestiyon lamang batay sa kanilang assessment at nasa gobyerno pa rin ang pinal na pagpapasya sa mga ipapatupad nitong polisiya para labanan ang COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *