OCTA research fellow, napupusuan ni Pangulong Duterte bilang kapalit ni Duque sa DOH

Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte kay OCTA Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco ang pusisyon ni Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng kaniyang Talk to the People.

Ayon sa Pangulo, ikatutuwa niya ang pag-appoint kay Austriaco bilang Secretary of Health.

Magalang naman na tinanggihan ni Austriaco ang alok ng Pangulo at sinabi na maganda naman ang trabaho na ipinakikita ni Duque.

Ipinunto naman ng Punong Ehekutibo na maraming beses nang nagpahayag si Duque ng kagustuhan nito na magpahinga sa dami ng mga nangyayari isyu.

Mababatid na si Austriaco, na isang Dominican priest at molecular biologist, ay bahagi rin ng team na nagde-develop ng unang Filipino-made COVID-19 vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *